Manila Bay
Metro

Mga naliligo sa Manila Bay pinaalis na

PINAALIS na ng Philippine National Police at Philippine Coast Gard ang mga naliligo sa Manila Bay.

Hindi na rin pinapayagan ng mga otoridad ang publiko na lumapit malapit sa dalampasigan ng Manila Bay.

Kahapon ay nagmistulang Boracay ang Manila Bay dahil sa biglang pagdagsa ng mga namamasya.

At naliligo sa dagat na nataon naman holiday dahil sa Chinese New Year.

Matatandaang makailang beses nang nagbabala ang Department of Health at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon sa mga ahensya na hindi pa rin ligtas paliguan ang Manila Bay dahil sa mataas na coliform o ecoli level nito.

Sinabi ng DOH na kabilang sa mga sakit na maaring makuha sa mataas na coliform o ecoli level ay diarrhea, dysentery na isang sever case ng diarrhea.

Kabilang ang typhoid fever, Hepatitis A, skin rashes at fungal infection.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *