mynmar U.N. Press Freedom Prize
International

Mga nakulong na Reuters journalist gagawaran ng U.N. Press Freedom Prize

GAGAWARAN ng Annual Press Freedom Prize ng United Nation ang dalawang Reuters reporter.

Nakulong ang mga ito sa Myanmar dahil sa pagpalabas ng ulat hinggil sa pagpatay sa Rohingya Muslims sa bansa.

Nakulong sina Wa Lone at Kyaw Soe Oo simula pa noong Disyembre 2017 dahil sa paglabag ng mga ito sa state secrets ng Myanmar.

Nakatakda namang igawad ang Guillermo Cano Prize sa dalawang journalist sa Mayo 2.

Gaganapin ito sa Ethiopia sa kasagsagan ng pagdiriwang ng World Press Freedom Day.

Ang Guillermo Cano Prize ay ipinangalan para sa paggunita sa isang Colombian journalist na binaril sa Bogota noong 1986.

Matandaang inaresto sina Wa Lone at Kyaw Soe Oo sa panahong inimbestigahan ng mga ito ang extrajudicial killing ng sampung Rohingya men.

Nangyari ito sa Inn Din Village sa Northern Rakhine state at nahatulan sila ng pitong taong pagkakulong.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *