National

Mga miyembro ng ASG, mas dapat mahuli nang buhay — Lorenzana


Mas mabuting mahuli nang buhay ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nagtatago sa Bohol.
Ito, ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ay para makakuha pa ng mahahalagang impormasyon sa mga plano ng grupo.
Target naman aniya ng militar na madakip ang anim pang Abu Sayyaf sa loob ng tatlong araw.
Nitong Miyekules, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga bandido — patay man o buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *