militar at oposisyong grupo
International

Mga militar at oposisyong grupo sa Sudan, nagkasundo

MATAPOS ang sunod-sunod na matinding pagpoprotesta na ikinamatay ng isang army officer at limang protestante sa Sudan noong Martes ay tuluyang nagkasundo ang militar at oposisyong grupo kaugnay sa paghahati ng liderato sa kanilang bansa.

Isang buwan simula ng mapatalsik sa pwesto si dating Sudanese President Omar Al-Bashir na namuno ng halos tatlong dekada sa Sudan ay pinamunuan ang bansa ng military leaders subalit dinumog ito ng mga pagpoprotesta mula sa oposisyon na nais ng civilian government.

Ngayong Miyerkules, ay nagkasundo ang Transitional Military Council (TMC) at ang oposisyong grupo na Declaration of Freedom and Change Forces (DFCF) na pamumunuan ng mga oposisyong sibilyan ang two-thirds o mayorya ng legislative council sa loob ng tatlong taon hanggang sa susunod na halalan.

Inaasahang maisasaayos ang pinal na kasunduan sa loob ng 24 oras.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *