panukala
National

Mga mahahalagang panukala, nakatakdang pirmahan ni Duterte sa kanyang SONA

133 panukala ang naisabatas, kabilang na ang mahahalangang panukala ang kabilang sa mga naiproseso ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa nakalipas na 2nd Regular Session ng 17th Congress.

Sa kabuuan ng mga batas na naipasa sa plenaryo sa Kamara, 38 dito ang mga panukala na may national importance na epektibo sa buong bansa.

Kabilang sa panukalang ito ang mga sumusunod:

  • Free Irrigation Services Act
  • Act Strengthening the “Anti-Hospital Deposit Law
  • Ease of Doing Business act
  • Act extending the validity of Philippine passports
  • Act extending the validity period of drivers’ licenses
  • Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN)

May mga panukala ring pinirmahan si Pangulong Duterte matapos ang sine die adjournment ng Kongreso nitong June 3, 2018.

Ilan sa mga ito ay mga mahahalagang panukala gaya ng:

  • Strengthening the Balik-Scientist Program
  • National school feeding law
  • Expanding the national integrated protected areas system
  • Electric cooperatives resiliency fund
  • Anti-Hazing Act of 2018
BBL, nakatakdang pirmahan sa SONA ng Pangulo

 Sa SONA, maraming Pilipino ang naghihintay kung mapipirmahan ba ang kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Miyerkules ng gabi, July 18, nang pirmahan ng mga kinatawan ng Bicameral Conference Commmitee ang final committee report on BBL.

Bukod sa BBL, nakatakda ring pirmahan ng pangulo ang National ID System na isa ring malaking panukala para mapabilis pa ang transaksyon sa gobyerno gamit ang iisang government Id.

Sa kabila ng libu-libong mga panukala na kanilang naipasa, tila hindi pa kontento ang liderato ng kamara.

Pagtitiyak pa ng mga kinatawan nito, mas maraming pang mga de-kalidad na panukala ang kanilang ipapasa pagkatapos mismo ng SONA ng pangulo.

MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *