ng langis
Business

Mga kumpanya ng langis, nagpatupad ng dagdag presyo sa kanilang produktong petrolyo

NAGPATUPAD ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Nagsimula kaninang 12:01 ng hatinggabi at 6:00 ng umaga ngayong araw.

Dalawampu’t limang sentimos ang itinaas sa presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Dalawampung sentimos naman ang dagdag sa kada litro ng diesel habang sampung sentimos sa kada litro ng kerosene.

Ang naturang oil price hike ay bunsod naman ng paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

SMNINEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *