2018-19 NBA Season
Sports

Mga koponan para sa 2018-19 NBA Season, kumpleto na

NAKUMPLETO na ang labing anim na koponang maghaharap-harap sa unang round ng postseason tournament sa 2018-19 NBA Season.

Sa unang round ng Eastern Conference, maghaharap sa ika-walo at huling spot ang Detroit Pistons at ang top-seeded na Milwaukee Bucks.

Magtatapatan naman sa ikapitong puwesto ang second seeded Toronto Raptors at Orlando Magic.

Magtutuos naman ang fourth-seeded na Boston Celtics at ang fifth-seeded Indiana Pacers, maging ang Philadelphia 76ers na hahamunin ng Brooklyn Nets.

Sa Western Conference, susubukan ng eigth-seeded Los Angeles Clippers na payukuin ang back-to-back defending champion na Golden State Warriors.

Magkakabakbakan naman ang Indiana Pacers at ang Houston Rockets.

Habang sasalpukin naman ng Oklahama City ang Portland Trail Blazers.

Susubukan namang itumba ng San Antonio Spurs ang Denver Nuggets.

Sisimulan ang round one ng playoffs sa Abril 14, oras sa Pilipinas.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *