tubig
Metro

Mga konsyumer ng tubig, unti-unting umaaray dahil sa El Niño

Ramdam na ng ilang taga-Metro Manila ang epekto ng unti-unting pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam dahil sa El Niño.

Umaaray na ang ilan sa mga kababayan natin sa tila hindi normal na patak ng tubig sa kanilang kabahayan.

Ayon sa may-ari ng isang carinderia sa Brgy. Cembo Makati, bahagya na ring naaapektuhan ang kanilang negosyo dahil sa hindi normal na daloy ng tubig sa kanilang mga gripo.

Dahil sa mahinang suplay ng tubig, inaabot sila ng tambak na hugasan sa pagdagsa ng kostumer sa tanghali.

Posible na ring isara ng isang carwash owner ang kanyang business oras na magtuloy-tuloy ang matinding epekto ng tagtuyot sa bansa.

Ayon pa sa kanila, personal nilang binabantayan ang suplay ng tubig habang hinihintay ang abiso ng water concessionare sa kanilang lugar.

Sa panig ng barangay council, agad silang mag-aabiso sa lahat ng residente para mapaghandaan ang nasabing problema kasama na rito ang water conservation program.

Nauna nang naiulat na marami ng probinsiya sa bansa ang nagdeklara ng state of calamity sa kanilang mga lalawigan dahil sa patuloy na pagbaba ng suplay ng tubig sa kanilang mga irigasyon.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam na kasalukuyan ay nasa critical level na.

Ulat ni Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *