kompanya ng langis
National

Mga kompanya ng langis, muling nagpatupad ng big time rollback

SA ika-walong pagkakataon, muling nagpatupad ng big time rollback sa presyo ng petrolyo ang ilang kompanya ng langis.

Dalawang pisong rollback sa kada litro ng gasolina at diesel ang ibinaba ng Phoenix Petroleum nitong Sabado ng tanghali.

Habang P2.20 hanggang P2.40 ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

At P1.90 hanggang P2.00 sa gasolina ang ipatutupad ng Unioil Philippines ngayong linggo.

Halos kahalintulad din ng bawas presyo ang ipapatupad ng ilan pang mga kompanya ng langis alas 6:00 ng umaga bukas.

Ayon sa Department of Energy, epekto ito ng pagbulusok sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa tala ng DOE, simula Oktubre 15 ay bumaba ng kabuuang P6.20 ang kada litro ng diesel, habang P9.15 sa presyo ng gasolina.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *