mga kandidato
National

Mga kandidato sa nagdaang Barangay at SK elections, pinasusumite na ng SOCE

Muling ipinaalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kandidato sa nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na magsumite na ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ayon kay DILG OIC-Secretary Eduardo Año, hanggang June 13 na lamang ang pagsusumite ng SOCE sa Commission on Elections (COMELEC).

Paliwanag ni Año na bahagi ng legal na obligasyon ng sino mang kumandidato ang pagsusumite ng kanilang naging gastos sa kampanya sa eleksyon.

Sinabi ni Año na diskuwalipikasyon sa pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno ang maaring kaharapin ng mga kumandidato kapag hindi magsumite ng kanilang SOCE.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *