resorts first aid staff
National

Mga hotel at resort na walang first aid staff ngayong Semana Santa, ipasasara

IPASASARA ng Department of Tourism o D.O.T. ang lahat ng mga hotel at resort sa bansa na walang first aid staff sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon pa sa DOT, tuloy-tuloy na ang pagdagsa ng mga biyahero at bakasyunista sa ibat-ibang panig bansa.

Pinaalalahanan naman ng kagawaran ang mga resport at hotel na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga kostumer mula sa mga sakuna o anumang insidente.

Kaugnay nito, magsasagawa ng random inspection ang D.O.T. sa ibat ibang hotel sa bansa para matiyak na ligtas ang mga kostumer sa panahon ng Semana Santa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *