Metro

Mga empleyado ng Manila City Hall may umento sa sahod


Inanunsiyo ngayong araw ni Manila Mayor Joseph Estrada ang salary increase ng regular at casual employees ng Manila City Hall.
Ayon kay Estrada, nasa kabuuang tatlundaang milyong piso ang inilaan ng Pamahalaang Lunsod ng Maynila para sa sampung libong mga empleyado.
Epektibo ang umento sa sahod simula noong Enero 1 at matatanggap ang unang bugso sa Miyerkules, Abril 19.
Ang salary increase ay depende sa buwanang sahod ng mga empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *