National

Mga duktor pinayuhan ang mga magpepenitensiya ngayong Semana Santa na mag-ingat sa impeksiyon


Pinayuhan ng mga duktor ang publiko na magsasagawa ng penitensiya ngayong Mahal na Araw na protektahan ang kanilang mga sarili laban sa impeksiyon.
Ayon kay Dra. Katha Ngo, Internal Medicine-Infectious Diseases ng Manila Medical Center, upang maiwasan ang infection ay kailangan ang kumpletong bakuna laban sa tetano.
Sinabi nito na ang mga magpepenitensiya at mga magpapapako sa krus ay maaaring makakuha ng mga sugat, hepatitis B at tetanus infection sa pamamagitan ng mga ginagamit na bagay, lalo na kung ang mga ito ay ginamit din ng ibang tao.
Aniya, hindi rin tama ang ginagawang self-sterilization ng mga nagpepenitensiya ng mga gamit tulad ng pako dahil dapat ay mga medical expert ang gumawa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *