National

Mga batang bakwit, may mensahe kay Pangulong Duterte  

35 mga bata mula sa iba’t ibang evacuation centers ng Marawi ang nasa Maynila ngayon.
Ito ay bahagi ng peace building capacity para sa mga batang bakwit na naapektuhan sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ISIS inspired  Maute Terror Group.
Pinangunahan ng AFP Tabak Division ang pag-ikot sa mga bata sa Maynila at una muna silang nakipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa edad 7-13 taong gulang ang mga batang nabigyan ng pagkakataon na makasakay ng eroplano at makarating sa Maynila.
Kaya ang ilan sa kanila ay ibinahagi ang kanilang mensahe para kay Pangulong Duterte.
Si Almerah Usman ay may liham na inihanda para kay Pangulong Duterte.
Sa liham ni Almerah nagpasalamat ito kay Pangulong Duterte at nakarating ito ng Maynila at ibinahagi ang karanasan nito sa Marawi.
Isiniwalat nito sa kaniyang liham ang naging paghihirap nila ng kaniyang pamilya para makatakas mula sa gulo na dulot ng militante sa kanilang lugar sa Marawi.
Maging ang hirap ng napagdaanan ng kanilang pamilya para makaligtas sila.
Hiniling naman ni Almerah sa Pangulong Duterte na matulungan siya sa kaniyang pag-aaral at maging isang scholar niya.
Sila ang espesyal na panauhin ni Pangulong Rodrigo Duterte at magkakaroon ng pagkakataon para sa isang educational tour sa Maynila.
Ilan sa kanilang bibisitahin ay ang Mind Museum, Luneta, Ocean Park at iba pang tourist spot sa Metro Manila. – Hannah Jane Sancho – SMNI News Channel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *