National

Mga barko ng China namataan sa karagatan ng Pilipinas


Patuloy pa rin ang aktibidad ng China sa pinag-aagawang mga isla sa South China Sea at mismong sa loob ng Philippine Sea.
Ito ang isiniwalat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang ulat sa House Committee on National Defense.
Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence Major General Filemon Santos, Jr., namataan ang mga barko ng China sa loob mismo ng karagatan ng Pilipinas.
Siyam na araw aniyang nagtagal sa Hilagang Kanluran ng Vigan, Ilocos Sur ang Chinese vessel na Xiang Yang Hong 03 samantalang 19 araw naman ang itinagal ng Xiang Yang Hong 06 sa bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.
Isa rin umanong Chinese vessel ang namataan sa karagatan ng Mindoro na tila sinusundan ang barko ng United States na nagsasagawa ng routine operation sa lugar.
Sinabi naman ni Santos na hindi nila isinasantabi na posibleng may ibang agenda ang mga namataang barko ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *