mga
Health

Mga alternatibong panlunas sa plema ng katawan

DYAHE NA DYAHE (nakakahiya) talaga kapag mayroong plema ang isang tao.

Madalas kasi pandirihan ang mga may ganitong karamdman sanhi ng matinding ubo, flu at iba pang sakit.

Madalas hingalin at hindi makahinga nang maayos ang mga may kondisyong ito dulot ng pagkabara ng plema sa baga at kapag napabayaan ay maaaring lumubha ang karamdaman na posibleng mauwi sa pagkamatay.

Huwag nang hintayin pang umabot sa puntong malala na ang sitwasyon at agapan ito sa natural na pamamaraan ng paggamot nito:

1. Honey at lemon

Ayon sa ilang dalubhasa ang pinagsamang honey at lemon ay mabisang paraan upang mabilis na mailabas ang plema at gamot din sa nangangating
lalamunan dahil taglay ng honey ang potent antibacterial at antifungal agent habang ang lemon ay may mataas na bisa ng Vitamin C na tumutulong
upang mapalusog ang buong immune system at mabisang pangtunaw ng plema sa loob ng katawan. Pagsamahin lang ang 2 kutsara ng katas ng
lemon at 1 kutsarang honey at ihalo sa ½ basong tubig at inumin.

2. Luya
Taglay ng luya ang organic decongestant and antihistamine na mabisang anti-bacterial sa katawan. Bukod nito sinasabing mabisang pampatuyo ng
plema ang luya para mabilis na mailabas ito sa katawan.
Maaaring ngumuya ng 3-6 na luya sa isang araw at ang katas nito ang siya dapat mai-absorb sa katawan may kapitan at anghang ito at kung di kayanin sa ganoong paraan ay maaring gumawa ng salabat hatiin lamang ang binalatang luya sa 10 hiwa at ipakulo sa kalahating litrong tubig at gawing tsaa.

3. Apple Cider Vinegar (ACV)
Ang ACV ay patok na patok na dahil sa napatunayang may taglay itong antibacterial component
na puwedeng-puwede para labanan ang bacteria na dala ng plema.
Ihalo lang ang 1 kutsara ng ACV sa isang basong tubig at inumin araw-araw.

4. Oregano
Matagal nang napatunayan na mabisang gamot sa matinding may halak nasanggol dulot ng plema ang oregano.
Hugasan lang ang dahon ng oregano at i-steam saka pigain sa isang kutsara/ kutsarita (para sa bata) at inumin.
Mapait ito kaya sundan dapat ng pag-inom ng 1 basong tubig.

5. Lagundi
Mabisa rin na panglunas sa ubo at may plema ang pag-inom sa pinakuluang lagundi.
Ugaliing uminom nito araw-araw hanggang sa tuluyang mawala ang ubo.
Payo pa ng mga dalubhasa ang plema ay may taglay na maraming mikrobyo na maaaring makapaminsala rin sa iba kaya’t ugaliin ang pagiging malinis at ligtas na pagmamalalasakit sa iba.

(Ulat ni John Vallada)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *