naitala
Metro

Mga aberya sa Brgy at SK elections naitala ng COMELEC

Samu’t saring mga aberya ang naitala sa halalan sa lungsod ng Maynila.

Ito ang dahilan kaya’t kakaunti ang mga bumotong residente sa lungsod.

Ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) poll watcher Mary Lou Diocera na nakadestino sa Araullo High School sa lungsod ng Maynila, may ilang mga kandidato ang makailang ulit nang pinagsabihan na huwag pumasok sa mga polling precinct ay patuloy pa rin nila itong ginagawa kahit tapos na silang bumoto.

May isa ring kumakandidatong kagawad ang naiulat na nawawala ang pangalan sa voter’s list.

Sa kabuuan, ayon sa COMELEC, naging mapayapa namang nagtapos ang botohan sa lahat ng presinto sa Maynila.

Eksaktong alas tres ng hapon nagsimula ang bilangan sa tulong ng mga pulis.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *