NGCP
Business National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Abril

MAY dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Abril.

Sa abiso ng Meralco, nasa 0.063 sentimos kada kilowatt hour ang itataas sa kanilang singil.

Katumbas ito ng P12.60 na dagdag bayarin sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt per hour.

Nasa P18.90 sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt per hour; P25.20 sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt per hour.

Habang nasa P31.50 sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt per hour.

Ang dagdag-singil ay bunsod ng pagmahal ng kuryente sa spot market at paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.

Samantala, muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon Grid kahapon ng hapon.

Ito ay bunsod pa rin ng manipis na reserba ng kuryente.

Sa power situation outlook ng NGCP kahapon ng ala-una ng hapon, pumalo sa lamang sa 895 megawatts ang reserve power ng Luzon Grid.

Sa kabila naman ng manipis na reserba, tiniyak ng Department of Energy walang ipatutupad na power interruption.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *