pinasinayaan
National

MCIA Terminal 2, pinasinayaan ni Pangulong Duterte

Pormal ng pinasinayaan ang bagong Terminal 2 ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Pinangunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang inagurasyon.

Napahanga ang mga bisita sa world class na disenyo ng bagong airport na maaaring makapagsilbi ng mahigit labing dalawang milyong pasahero kada taon.

Para sa mga gustong mamasyal sa Terminal 2, bubuksan ito sa publiko simula sa huling linggo ng Hunyo bago ito maging operational sa Hulyo a-uno.

Ayon sa pamunuan ng MCIA, tanging international flights lamang ang i-cater ng Terminal 2.

Jimrey Biosa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *