National

Mayorya ng mga Pinoy, tiwalang tama ang mga lumabas sa Philippine Media – Pew Research Center

MARAMI sa mga Pilipino ang naniniwalang tama ang pagbabalita ng Philippine Media.
 
Ito ay base sa survey na isinagawa ng Pew Research Center sa Estados Unidos.
 
Ayon sa survey, 86% ng mga Pinoy ang naniniwalang nagagampanan ng mga Pilipinong mamamahayag ang tamang pagbabalita.
 
78% ng mga Pilipino ang nagsabing maayos ang pagbabalita ng mga mamamahayag na Pinoy sa mga isyung pulitikal sa bansa.
 
83% ang nagustuhan ang pagbabalita kaugnay sa mga pinuno at opisyal ng gobyerno.
 
Habang 87% ang nagsabi na maayos ang pagbabalita tungkol sa mga importanteng pangyayari sa loob ng Pilipinas.
 
Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa may 1,000 Pilipino na edad 18-pataas noong Pebrero 26 hanggang Mayo 8 nang nakaraang taon.
 
Batay sa survey sa buong mundo, tanging mga kabataan mula sa Pilipinas at Brazil ang may pakialam sa local news habang ang mga kabataan sa ibang bansa ay walang pakialam sa nangyayari sa kanilang kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *