National

Mayorya ng mga Pinoy, kuntento sa kanilang buhay

Mayorya ng mga Pinoy ang nananatiling masaya at kuntento sa kanilang buhay.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), siyamnapu’t apat na porsyento ng mga Filipino ang nagsabing sila ay masaya habang siyamnapu’t dalawang porsyento ang kuntento sa kanilang buhay.

Limang porsyento naman ng mga Pinoy ang hindi masaya habang isang porsyento lang ang nagsabing hindi talaga sila masaya.

Nalampasan ng fourth quarter survey ang happiness rating na 92 percent noong 1996.

Isinagawa ang survey sa isanlibo dalawandaang adult respondents sa buong bansa noong Disyembre a-otso hanggang a-disi sais ng  2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *