mayorya ng mga Pinoy
National

Mayorya ng mga Pinoy, kuntento sa demokrasya ng bansa

Kasabay ng paggunita ng Araw ng Kalayaan, mayorya ng mga Pinoy ang kuntento pa rin sa demokrasya ng bansa.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), pitumpu’t walong porsyento (78%) ng mga Filipino ang naniniwala pa rin sa paraan ng pag-iral ng demokrasya sa Pilipinas.

Mababa ito ng dalawang puntos sa walumpung porsyento (80%) ng mga Pinoy na kuntento sa pagpapatakbo ng demokrasya sa bansa sa kaparehong panahon noong 2017.

Nasa animnapung porsyento (60%) naman ang mas pipiliin ang demokrasya kaysa sa iba pang uri ng pamamahala sa bansa.

Isinagawa ang survey sa isanlibo at dalawandaang adult respondents sa buong bansa noong March 23 hanggang 27.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *