pagpapatalsik
National

Mayor Sara Duterte, no comment sa pagpapatalsik kay Alvarez  

Tikom pa rin ang bibig ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte Carpio Sa paratang laban sa kanya na siya ang nasa likod sa pagpapatalsik kay Congressman Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.

Nag-“no comment”  lang si Inday Sara nang tanungin kung siya ang utak ng pagpapalit kay Alvarez.

Kahapon, sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagdesisyon ang Kamara na iluklok bilang Speaker si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kapalit ni Alvarez.

Mayor Sara Duterte, binati GMA

Samantala, nagpaabot ng pagbati si Sara Duterte sa pagkakaluklok kay Gloria Macapagal-Arroyo sa pwesto.

Inilarawan nito ang dating pangulo bilang isang “strong leader.”

“Congratulations to SPGMA (Speaker Gloria Macapagal-Arroyo). A strong leader.” – Mayor Sara Duterte-Carpio, Davao City

Si Arroyo ay nahalal bilang speaker nitong Lunes, July 23, matapos sang-ayunan ng 184 kongresista.

Si Arroyo ang ika-21 House leader at pinakaunang babae sa kasaysayan ng bansa na nakahawak ng naturang posisyon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *