SONA
Metro

Maximum tolerance, ipatutupad ng PNP sa SONA

Hindi mag-aatubuling arestuhin ng pulisya ang mga raliyistang lalabag sa panuntunan ng pagsasagawa ng demonstrasyon sa panahon ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Philippine National Police – National Capital Region Office (PNP-NCRPO) Chief Superintendent Guillermo Eleazar, hindi na bago sa kanilang hanay. Ang makatagpo ng mga abusadong raliyista na nagdudulot ng sakitan sa panig ng kapulisan.

Bagamat aminado si Eleazar na minsan nalulusutan sila sa ganitong sirkumstansiya pero sisiguruhin nila ngayon na walang magiging karahasan sa mga kilos-protesta na isasagawa ng mga pro at anti-administration.

Sa kabila nito, mananatiling kalmado ang PNP-NCRPO sa pagpapatupad ng kanilang limitasyon na walang masaktan sa magkabilang panig

Sa susunod na linggo isasagawa ang ikatlong ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *