tangkang pagpatay
International

Mastermind sa tangkang pagpatay kay Venezuelan President Maduro, arestado

Arestado ang anim katao matapos kilalanin ng mga awtoridad sa tangkang pagpatay kay Venezuelan President Nicolas Maduro.

Naganap ang insidente Sabado ng gabi, August 4, habang nagbibigay ng talumpati si Maduro sa isang military parade.

Ayon kay Interior Minister Nestor Reverol dalawang DJI M600 drones na may isang kilo ng C-4 explosives bawat isa ang ginamit ng mga suspek.

Nailayo ng Venezuelan military ang unang drone sa presidente habang bumagsak naman ang pangalawa sa isang apartment building sa di kalayuan.

Pitong sundalo ang naiulat na nasugatan sa insidente.

Samantala, pinaratangan ni Maduro si Colombian President Juan Manuel Santos bilang may pakana sa pagsabog.

Sinagot naman ito ni Santos sa Twitter na nagsabing nasa binyag siya ng pinakakamahal niyang apo ng mangyari ang kaguluhan.

Sa isang panayam, sinabi ni US National Security Adviser John Bolton na walang kinalaman ang US government sa nasabing pag-atake.

Hindi pa pinapangalanan ang anim na suspek.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *