Mar
Showbiz

Mag-asawang Korina at Mar, biniyayaan ng kambal

Matapos ang ilang linggong espekulasyon kasunod ng post ni Korina Sanchez sa Instagram ng kaniyang pamimili ng gamit pang-baby at ang misteryong paglipad patungong Amerika ni senatorial candidate Mar Roxas sa gitna ng kampanya.

Ay sa wakas inanusyo na ng dalawa na finally ay mayroon na silang baby.

Biniyayaan sila ng twin baby na girl and boy.

Very happy at proud na ini-reveal at ipinakilala ni Korina sa publiko ang kaniyang babies.

Kinumpirma din ng anchor-tv host na ipinanganak ang kambal sa pamamagitan ng surrogacy kung saan ibang babae ang magdadala sa sinapupunan at magsisilang ng bata na galing sa punla ng dalawang magulang.

Ayon kay Korina, itinuturing niyang milagro ang naturang pagsilang ng kanilang babies.

Oktubre taong 2009 ng ikasal sina Korina at Mar sa Sto. Domingo Church sa Quezon City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *