COA
National

Maling paggamit ng P5.1-B na pondo ng NFA, nasilip ng COA

Nasilip ng Commission on Audit (COA) ang maling paggamit ng National Food Authority (NFA) sa 5.1 bilyong pisong pondo para sa food security.

Kinuwestyon ng COA ang paggalaw ng NFA sa nasabing pondo para ipambayad sa maturing loans.

Sinabi ng state auditors na ang subsidiya mula sa pamahalaan ay para sa implementasyon ng food security program ng NFA sa pamamagitan ng pagbili ng palay mula sa mga magsasaka, distribusyon ng bigas at importasyon at buffer stocking.

Giit ng COA, dapat ay idineposito ang pondo sa NFA cereal procurement fund para masigurong available ito sa regional offices at field operating units para sa mga pangangailangan sa palay.

Sa halip na ibinayad sa loans ay ginamit ng NFA ang subsidiya para sa karagdagang insentibo sa mga magsasaka.

Dahil dito, inirekomenda ng COA sa pamunuan ng NFA na tiyaking nagagamit para sa food security program ang subsidiya mula sa gobyerno at regular na i-monitor ang paggamit ng mga pondo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *