National

Malakanyang, umaasang hindi na madugo at kontrobersyal ang Oplan Tokhang


UMAASA ang Malakanyang na hindi na magiging madugo ang muling pagpapatupad ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).
Hangad ng Malakanyang na natuto na ang pulisya sa mga nakalipas na karanasan ng pagpapatupad ng Oplan Tokhang.
Kumpiyansa si Presidential Spokesman Harry Roque, na susundin ng PNP ang rule of law sa kanilang mga operasyon.
Nilinaw din ni Roque na walang kinalaman ang Malakanyang sa mga guidelines ng PNP
sa muling pagpapatupad ng Oplan Tokhang.

Aniya, kusang binuo ito ng pamunuan ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang lead agency sa kampanya kontra-droga.
Kaugnay nito, sinabi ni PNP Chief General Ronald Dela Rosa na piling mga pulis lang ang magsasagawa ng tokhang na gagawin mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *