komento
National

Malakanyang, tatanggap ng mga komento kaugnay ng draft federal charter

Nakahanda ang Malakanyang na tumanggap ng mga komento mula sa publiko kaugnay ng draft ng isinusulong na federal constitution.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na ikinukonsidera ng pamahalaan at Consultative Committee ang pagtanggap ng mga feedback mula sa stakeholders.

Ito ay para ma-improve pa ang draft federal charter bago ito ipapasa sa kongreso.

Maaaring ipadala ng publiko ang kanilang feedback hinggil sa federal charter sa Office of the President, Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Office of the Presidential Spokesman, ito ay pwedeng ibigay ng personal o sa pamamagitan ng mail o email.

Pinangunahan naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang public consultation.

Gayunman, aminado si Roque na may ilang isyung ipinarating ang economic managers na nag-udyok kay Duterte na kumuha ng mga komento mula sa publiko.

Dagdag pa ng kalihim, nananatiling committed si Pangulong Duterte sa proposed federal constitution at hindi ito naniniwalang patay na ang Pederalismo.

Ito’y sa kabila ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson na patay na sa senado ang proposed Cha-Cha o charter amendments.

Sambit pa ng palace spokesman, ang naturang pahayag ni lacson ay sariling pananaw lamang nito.

Ayon kay Sec. Harry Roque, “Alam nyo naman po, like the house, they have individual member, the senate has also individual member.

I think as a body, I dont think they had decided that federalism is dead.” 

Kaugnay nito, wala namang naririnig ang Palasyo na pagtutol mula sa kamara at senado.

Dagdag pa ni Roque, “Ang naririnig natin ay kailangang pag-usapan at pag-aralan natin itong mga proposed revisions patungo sa isang pederalismong gobyerno.”

Samantala, nais ng Palasyo na maging “reasoned and intelligent procedure” ang diskusyon hinggil sa federal charter kasama ang senado.

Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *