Good Luck
National

Malakanyang, sinabihan ang 6 na senatoriables ng LP ng ‘Good Luck’

Nag-iwan lamang ng mensaheng “Good Luck” si Presidential Spokesperson Harry Roque sa kampo ng Partidong Liberal.

Ito’y makaraang napabalitang posibleng isali ng Liberal Party ang aktres na si Agot Isidro sa kanilang senatorial slate para sa 2019 elections.

Nabatid na naging aktibo si Isidro sa vocal online na pagtutol laban sa Administrasyong Duterte.

Una rito, inanunsyo ng LP president na si Senador Francis Pangilinan ang anim na kandidato na kabilang sa 2019 senatorial elections.

Kabilang sa tinatawag na ‘Resistance Coalition‘ si re-electionist Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino, kasama rin sina dating Quezon Representative Erin Tañada, Free Legal Assistance Group (FLAG) chairman Chel Diokno, Magdalo Party List Representative Gary Alejano, at dating Akbayan Party List Representative Barry Gutierrez.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *