Liza Maza
National

Malakanyang, pinasalamatan ang serbisyo ni NAPC Chair Liza Maza

Natanggap na ng Palasyo ang resignation letter ni National Anti-Poverty Commission Chairperson Liza Maza.

Ayon kay Presidential Spokeperson Harry Roque, tatlo ang naging mga rason ni Maza sa kanyang pagbibitiw at kanilang dito ang nakanselang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA.

Pinasalamatan naman ng Palasyo si Maza sa naging kontribusyon sa Duterte Administration bilang lider ng NAPC.

Ayon kay Roque nalulungkot man sila sa naging desisyon na ito ni Maza pero iginiit nitong kung gusto nilang matuloy ang peace talks, ay dapat sundin ng komunistang grupo ang mga kondisyon ni Pangulong Duterte.

Kabilang na rito ang pagsasagawa ng peace talks sa Pilipinas, itigil ang mga pag-atake ng NPA, ihinto ang pangongolekta ng mga revolutionary tax, at magkaroon ng ceasefire kapag umusad na muli ang usapang pangkapayapaan.

Pursigido naman ang Palasyo na ituloy ang localized peace talks sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung hindi man mabuksan muli ang naunsiyaming usapang pangkapayapaan.

Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *