mandatory drug test
National

Malakanyang pabor sa mandatory drug test sa Grade 4 students pataas

SINANG-AYUNAN ng Malakanyang ang panukalang magsagawa ng mandatory drug test para sa mga estudyante mula grade 4 pataas.

Ito ay matapos lumabas sa pinakahuling Social Weather Survey.

Lumalabas na lima sa sampung Pilipino ang pabor sa proposal na ito ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kumbinsido din ang tagapagsalita ng Palasyo na hindi na kailangan amyendahan ang batas para maipatupad ito.

Nakasaad sa batas na tanging random drug testing lang sa high school at college students ang pinapayagan.

Naniniwala ang Malakanyang na sapat na ang drug problem sa bansa.

At mandato ng pamahalaan na siguruhin ang kaligtasan ng mga mamamayan para maging basehan ng mandatory drug test.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *