nakomatose
National

Malakanyang, itinangging nakomatose si Pangulong Duterte

“As usual Joma Sison does not know what he talks about. How will he know the state of health of the president when he is faraway from the Hague, Netherlands.” –  Sec.  Harry Roque, Presidential Spokesperson

Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos maglabas ng isang post sa social media si Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison.

Ito ay kaugnay sa dinaluhang event ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado na inorganisa ng San Beda Law Lex Talionis Fraternity.

Nakarating kay Sison na kapansin-pansin ang pangingitim ng mga mata ng pangulo at panginginig ng kamay at napaulat na ngayon ay na-coma si Duterte.

Bagay na pinasinungalingan ni Roque dahil nasa mabuting kalusugan aniya ang Pangulong Duterte.

Wala aniyang karapatan si Sison na magsalita kaugnay sa kalusugan ng Pangulong Duterte dahil hindi naman siya doktor kundi isang rebolusyonaryo.

Wala nakikitang dahilan ang Malakanyang na maglabas ng opisyal na medical records ng pangulo dahil wala naman itong sakit at katunayan may event ito bukas sa Cebu na dadaluhan naman nito.

Una nang napaulat na nagpacheck-up si Duterte sa Cardinal Medical Center isang araw bago ang kanyang SONA kung saan binigyan ng clean bill of health ang chief executive.

Kasalukuyang nasa Davao City ngayong araw si Pangulong Duterte at iginiit ng Palasyo na nasa mabuting kalagayan ito habang ini-enjoy ang selebrasyon ng Kadayawan Festival.

Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *