Kamara
National

Malakanyang, hinimok ang IBP na igalang ang desisyon ng Korte Suprema

Hinimok ng Malakanyang ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na igalang ang desisyon ng Supreme Court (SC) sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t nirerespeto niya ang inihaing motion for reconsideration ng IBP ay naniniwala ito na hindi na mababago o babaligtarin ng kataas-taasang hukuman ang kanilang desisyon.

Sinabi ni Roque na dapat bilang abugado na nagsisilbing court officers ay sila ang unang maghihikayat sa taumbayan na igalang at huwag kwestyunin ang mga desisyon ng Korte Suprema.

Nitong Miyerkules, naghain ng mosyon ang IBP sa Korte Suprema para baligtarin ang May 11 decision pabor sa quo warranto petition laban kay Sereno.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *