National

Malakanyang, handang tumulong sa mga broadcast network na napinsala sa Marawi City

Handang tumulong si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa mga private radio at TV stations na napinsala sa kasagsagan ng giyera sa Marawi City.

Bilang tugon ni Andanar sa panawagan ng ilang stations na matulungan sila sa pagbangon mula sa pinsalang dulot ng giyera.

Ayon kay Andanar, bagamat priority ng pamahalaan ang mga government stations, handa naman siyang makiusap sa mga private donors para makatulong sa mga private stations.

Kinumpirma naman ni Andanar na noon pang nakaraang taon may nakalaan na P30M para sa pagtatayo ng government TV station at pagpapalakas sa Radyo Pilipinas Radio Station sa Marawi.

Pero dahil sa kakapusan ng panahon ay naubusan ng oras dahil sa umiiral na procurement law para mabili ang mga kailangang broadcast equipment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *