National

Malacañang, tiniyak na may mananagot sa anomalya sa ‘Dengvaxia’

TINIYAK ng Malacañang na mananagot ang mga opisyal ng Department of Health
(DOH)
na sangkot sa iregularidad sa pagpapatupad ng dengue vaccine.
Una nang ibinulgar ng unyon ng mga empleyado ng DOH na umanoy mga opisyal
ng ahensya ang nagsulong ng dengue vaccine na Denguevaxia na kumita mula sa
supplier nito.
Umapela naman si Presidential Spokesman Harry Roque, huwag pangunahan ang
gagawing imbestigation ng Department Of Justice (DOJ).
Ayon kay Roque, anuman ang resulta ng imbestigasyon ng DOJ, kanila itong
aaksyunan at panagutin ang mga responsableng opisyal.
Tiniyak ni Roque na wala silang itatagong impormasyon kaugnay sa kontrobersyal
na bakuna kaya wala daw dapat ipag-panic ang publiko.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *