turnover
National

Makasaysayang Balangiga Bells, pormal ng nai-turnover sa Balangiga, Eastern Samar

NASA higit isandaang descendants ng tinaguriang war heroes ang nakiisa sa turnover ceremony ng mga kampana sa Balangiga Eastern Samar nitong Sabado.

Nagsilbi itong reunion ng mga descendants ng mga war heroes gaya nina General Vicente Lucban, Captain Valeriano Abanador, Eugenio Daza.

Mistulang piyesta ang pagsalubong ng mga taga-balangiga sa kanilang kampana.

Ipinarada din ang naturang mga kampana sa buong bayan ng Balangiga.

Masaya ang mga mamamayan ng bayan ng Balangiga, Eastern Samar.

Dahil sa unang pagkakataon sa loob ng 117 taon ay pinatunog na ang tatlong makasaysayang Balangiga Bells kasabay ng pagsisimula ng simbang gabi.

Naging emosyunal ang mga taga Balangiga nang marinig ang kalembang ng mga kampana.

Maaalala na nitong sabado, matapos ang handover ceremony ay nagkaroon ng party sa Balangiga dahil naibalik na sa bayan ang makasaysayang kampana.

Bayan ng Balangiga, Eastern Samar susunod na magiging tourist destination

Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) na sunod na magiging toursits destination ang bayan ng Balangiga, Eastern Samar.

Kasunod ng pagbabalik ng mga Balangiga Bells sa kanilang pinagmulang bayan.

Ayon kay DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, natukoy na rin umano ng Local Tourism Department ang ilang makasaysayang mga artifacts.

Sinabi ni puyat na posibleng hindi lamang umano ang bayan ng Balangiga ang makinabang sa mga kampana kundi pati na rin ang buong rehiyon.

Nakatakdang bumisita si puyat sa Balangiga sa susunod na taon sa pagsisimula ng DOT na i-promote ang mga kampana.

Dagdag pa nito ang mga tourist attractions ng rehiyon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *