INATASAN
National

Mahigpit na pag-inspeksyon sa mga bus terminal ngayong undas, ipinag-utos

INATASAN ni LTFRB chairman Martin Delgra ang regional directors.

Kaugnay sa pagpapaigting sa pagbabantay at pag-inspeksyon sa mga bus terminal at makipag-ugnayan sa mga bus operator.

Sinabi ni Delgra na magpapatuloy ang inspeksyon at monitoring hanggang matapos ang undas o sa nobyembre 5.

Aniya, makikipag-ugnayan din sila sa LTO, PNP at AFP kaugnay sa monitoring at pag-inspeksyon sa mga matataong lugar.

Samantala, hanggang noong Lunes ay nasa 436 na aplikasyon para sa special permits.

Sakop nito ang mahigit 1000 units ng bus ang natanggap na ng LTFRB.

Magiging epektibo mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5 ang special permits sa mga bus na babiyahe sa mga probinsya sa undas.

Samantala, mas pinaigting na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang kampanya kontra kolorum na bangka.

Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa sa mga pantalan ng mga pasaherong magsisiuwian sa kanilang lalawigan sa undas.

Pinaalalahanan ni PCG Spokesperson Captain Armand Balilo ang mga mananakay.

Aniya, na huwag sumakay sa mga bangka na hindi naman pampasahero para na rin hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *