taxi driver
Metro

Mahigit P150, 000 halaga ng gamit ng pasahero, isinauli ng taxi driver

Mahigit P150, 000 halaga ang nilalaman ng itim na pouch ang naibalik ng tapat na yellow accredited taxi driver.

Sa balikbayan nitong pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division Office kinilala ang driver na si Romnick Espiritu ng Peoples Network Transport (PNT).

Kwento ng driver hinatid nito ang isang US citizen na pasahero na si Belen Zoza Swegler, 66 years old  sa Newport Pasay City mula NAIA Terminal -2

Ang turista ay galing pa ng Palawan.

Pabalik na ang taxi sa paliparan nang mapansin nitong ang nasabing pouch na naiwan nito sa kanyang taxi.

Agad din bumalik sa NAIA Terminal-2 si Swegler nang mapansin na nawawala ang nasabing pouch at dali-dali itong inireport  sa Terminal-2 Police Office at doon nagkita sila ng driver.

Ang itim na pouch ng Amerikano ay naglalaman ng  P50, 000, US$2,000, mga credit cards , iPhone 8 at mga id.

Tuwang tuwa si Swegler sa driver at ito rin ang muling naghatid sa kanya pabalik sa naturang destinasyon.

Pinapurihan naman ni MIAA General Manager Ed Monreal sa katapatan ni Espiritu.

Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *