National

Mahigit 600 na kapulisan ng PNP, ginawaran ng promosyon

Pinangunahan ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Bato dela Rosa ang seremonya sa mass oath taking, pinning and donning of insignias sa mahigit sa animnaraang PNP promotees sa national headquarters.

Kabilang sa mga ginawaran ng promosyon ang mga opisyal ng administrative, finance at operations department ng PNP.

Sa ilalim ng regulasyon ng PNP Regular Promotion Program, dumadaan muna sa masusing pag-aaral kaugnay sa kwalipikasyon ng mga opisyal bago maisama ang pangalan nito sa mga promotees.

Kaugnay nito, umaasa si General Bato na wala nang sinumang police officer ang masasangkot sa anumang isyu ng katiwalian sa lahat ng mga istasyon at tanggapan ng pulisya sa buong bansan kasunod na rin umano ng ulat na halos otsenta porsyento ng mga pulis sa Metro Manila ay sangkot sa mga iregularidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *