Metro Manila
Metro

Mahigit 200K na tambay sa Metro Manila, nadakip

NASA kabuuang 209,959 na tambay sa Metro Manila ang nadakip ng pulisya simula nang ipatupad ang kampanya kontra tambay sa National Capital Region.

Ayon kay NCRPO Chief, Director Guiller­mo Eleazar, nasa dalawampu’t walo katao na lamang ang nananatiling nakakulong dahil sa may mga kinakaharap na kaso.

Sa tala ng NCRPO, 12,687 ang naaresto dahil sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar; 73,542 sa smoking ban; 18,718 ang walang suot na damit pang-itaas.

Kabilang din sa naaresto ang 18,266 katao dahil sa paglabag sa curfew, at 86,764 para sa paglabag sa ibang mga ordinansa.

Ang Quezon City Police District ang may pinakamaraming nadakip na tambay (99,040), pangalawa ang Eastern Police District (54,577).

Sinundan ito ng Manila Police District (22,963), Southern Police District (19,903) at Northern Police District (13,476).

Pinakamarami naman ang bilang ng mga violator na kinasuhan sa korte ang MPD (11,750), pangalawa ang QCPD (11,538), SPD (585), EPD (13).

Wala namang naitalang kinasuhan sa NPD

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *