National

Magkapatid na Parojinog, nagpapasaklolo kay Duterte at sa Senado

Umaapila si Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez kay Pangulong Rodrigo Duterte at maging sa Senado na huwag sila pababayaan sa kinaharap na krisis ng kanilang pamilya.
Ito ay matapos kabilang sa labing limang nasawi ang kanilang mga magulang na sina Mayor Reynaldo Parojinog Sr. At Susan Parojinog sa madugong raid ng pulisya sa mga bahay nila sa Baranggay San Roque Lawis, Ozamiz City sa Misamis Occidental.
Sinabi ni Nova Princess na sana hindi sila pababayaan ni Pangulong Duterte.
Nanawagan din ang bise alkalde sa Senado na magsagawa ng patas na imbestigasyon kaugnay sa nangyari sa kanilang pamilya.
Iginiit pa ng opisyal na kilala raw ng husto ni Duterte si Parojinog Sr. At kung ano ang totoo na pagkatao ng kanyang ama.
Si Nova Princess at kapatid nitong si Reynaldo Parojinog Jr. Ay magkasamang nakakulong ngayon sa custodial center sa Campo Crame.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *