magkakapatid
National

Magkakapatid na Tulfo, ‘di pa ligtas sa kaso

Iginiit ng Malakanyang na hindi pa ligtas sa kaso ang magkakapatid na Tulfo sa kontrobersyal na Tourism advertisement sa programa ni Ben Tulfo sa telebisyon.

Kasunod ito ng pahayag ni Ben na hindi niya ibabalik ang advertisement fee.

Taliwas ito sa naunang anunsyo ng abugado ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na si Ferdinand Topacio.

Sen. Trillanes, kakasuhan ng pandarambong ang magkapatid na Tulfo

Kakasauhan ng pandarambong ni Senador Antonio Trillanes IV na si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo at kanyang mga kapatid.

Sinabi ni Trillanes na konektado ito sa pahayag ni Ben Tulfo, na hindi niya isasauli sa pamahalaan ang P60-M.

Suportado ni Senador Panfilo Lacson ang hirit ni Senador Antonio Trillanes IV na magsagawa ng pagdinig ang senado sa advertising contract ng Department of Tourism at Bitag Media Unlimited Incorporated.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, kakausapin niya si Senador Richard Gordon.

Ito ay sa posibleng pagsisiyasat sa isyu na kinasasangkutan ni Teo at mga kapatid na sina Ben at Erwin Tulfo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *