Ibinida
National

Magandang trato ng Kuwait sa mga OFWS, ibinida ni Pang. Duterte

Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang trato sa mga Overseas Filipino Workers (OFWS) sa Kuwait.

Ginawa ito ng pangulo sa kaniyang pakikipagkita sa may tatlong libong Filipino sa Grand Hilton Hotel sa South Korea.

Muling ipinagmalaki ng pangulo ang magandang developments kabilang na ang hindi pagkumpiska ng mga employers sa Kuwait sa mga passports ng OFW at ang pagkakaroon ng day-off ng mga Pinoy workers.

Duterte, nag-sorry sa Kuwait

Nag-sorry ang pangulo sa gobyerno ng Kuwait kaugnay sa mga masasakit na salita na nasabi niya noon.

Iginiit ni Duterte na nabitawan niya ang masasakit na pananalita dahil sa emosyon at galit dahil sa pagkakaabuso ng mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait.

Ayon kay Pangulong Duterte, kontento at nagpapasalamat naman daw siya sa naging tugon rito ng Kuwaiti government.

Patunay daw dito ang paglagda ng Kuwaiti Government sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa proteksyon ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait.

Ikinuwento rin ng presidente sa nasabing pulong ang pagsibak niya sa puwesto kahit ang malalapit sa kanya basta sangkot sa anomalya at korupsyon kabilang na ang mga pagbiyahe sa ibang bansa habang nasa puwesto.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *