Metro Manila
National

Magandang panahon, asahan sa mga susunod na araw

Posibleng magsimula nang gumanda ang panahon bukas o sa mga sumusunod na araw sa Metro Manila.

Ito, ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, ay dahil inaasahang ang Habagat ay kikilos pa-hilaga hanggang sa humina na ang epekto nito.

Dagdag pa ni Aurelio, bukod sa Habagat ay wala pang inaasahan na bagyo o Low Pressure Area (LPA) na papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR.

Samantala, sa Luzon at Western Visayas ay mayroon pa ring mahina hanggang katamtamang pag-ulan o minsan malakas na ulan dahil sa epekto ng Habagat.

Maliban dito nag-isyu ang PAGASA ng gale warning sa Northern at Eastern seaboard of Northern Luzon, buong seaboard ng Central Luzon, Western at Southern seaboard ng South Luzon.

Ibig sabihin nito, mataas ang alon sa karagatan dulot ng malakas na hangin dala ng habagat kung kaya payo ng PAGASA na huwag munang pumalaot ang mga maliliit na mangingisda

Nagbabala naman ang PAGASA sa bahagi ng Bataan at Zambales bunsod ng banta ng flashflood at landslide lalo na sa mababang lugar matapos mag-isyu ng yellow rainfall warning sa naturang nga lugar.

Kahapon nang umaga ay lumabas na ng PAR ang Bagyong Domeng.

 

Cresilyn Catarong

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *