Maculcul
Regional

Rehabilitasyon ng Maculcul bridge sa Zambales, sisimulan na

DAHIL sa pagsusumikap ng pamilya nuezca ay maisasakatuparan na ang matagal nang parangap ng mga taga-Zambales na maisaayos ang Maculcul bridge.

Kahapon ay isinagawa nga ang pormal na paglulunsad at dedikasyon ng nasabing tulay kasabay na rin ng planong rehabilitasyon at pagpapaganda nito.

Sinabi ni Mrs Milinia Nuezca, matagal na niyang hinihiling sa panginoon na maisakatuparan ang nasabing proyekto dahil sa matagal na ring panahon ay nagdudusa ang mga Zambaleño.

Bukod sa maiibsan na ang pagbaha sa lugar sa pagsisimula ng proyekto, libo libong trabaho din ang maidudulot nito hanggang sa ito ay matapos at makapagsimula ng mag-operate ang mga negosyo sa paligid ng maculcul river

Umaasa ang pamilya nuezca sampo ng mga naninirahan sa Zambales, na ang pagsisimula ng rehabilitasyon at pagpapaganda ng ilog, ay magsisilbi rin itong hudyat ng mas lalong maunlad at progresibong Zambales.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *