Yellow Alert
National

Luzon Grid, muling isinailalim sa Yellow Alert ngayong maghapon

ITINAAS ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert sa Luzon Grid ngayong araw.

Ang alerto ay iiral mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Sinabi ng NGCP na mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,625 megawatts habang ang peak demand ay 11,293 megawatts.

Ito na ang ikatlong magkasunod na araw na inilagay sa Yellow Alert ang Grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *