National

Luzon grid isinailalim sa red alert


Isinailalim Sa Red Alert Ang Buong Luzon grid dahil sa kakulangan sa suplay ng kuryente.
Sa datos ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasa 9,370 megawatts ang peak demand pero nasa 9,300 lang ang available capacity.
Isa rin sa mga nag-ambag sa manipis na suplay ng kuryente ang mga nagkaaberyang planta matapos ang lindol sa Batangas.
Pero sa isang pulong-balitaan, nilinaw ni Manila Electric Company (MERALCO) Spokesperson Joe Zaldarriaga na walang gagawing manual load-dropping o brownout.
Bukas naman ay inaasahang balik sa yellow alert ang buong Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *