Luka Modric
Sports

Luka Modric, itinanghal na Player of the Year ng UEFA

Napili at itinanghal na Player of the Year ang captain ng football na si Luka Modric.

Nangyari ito sa ginanap na botohan ng mga liga ng Union of European Football Associations at sa naging kampeonato ng Real Madrid at Croatia.

Matatandaan ding nabigyan ng pagkilala si Luka Modric noong nakaraang season bilang Best Midfielder pagkaraang magkampeon sila sa 3rd season ng liga.

Pahayag ni Modric, inaalay niya ang kanyang tagumpay sa kaniyang ama na walang humpay ang pagsuporta sa pag-abot na kaniyang mga pangarap.

Dagdag pa nito na kakaibang pakiramdam ang kaniyang nararamdaman na punong-puno ng pagkagalak at pagka-proud.

Samantala, kasama din sa mga nabigyan ng pagkilala ay ang kaniyang clubmate na sina Sergio Ramos bilang Best Defender.

Nakatanggap naman ang real shot stopper na si Keylor Navas ng Best Goalkeeper Award.

Ang former teammate naman ni Modric na si Cristiano Ronaldo na kakalipat lang sa Juventus ay pinarangalan bilang Best Striker.

Nabigyan din ng pagkilala ang veteran at former star player ng Manchester United, Real Madrid at England na si David Beckham ng UEFA President Award.

Para ito sa mga naging kontribusyon ni Beckham hindi lang sa football maging sa pagsuporta nito sa mga humanity works.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *