LTFRB
National

LTFRB, may mga paalala sa mga PUV’s at mall operators

MAY mga paalala ang LTFRB sa mga Public Utility Vehicle (PUVs) at mall operators para sa holiday season.

Iprinesenta ng ahensya ang kanilang plano sa kapaskuhan sa isang briefing na dinaluhan ng mga kinatawan ng malls at transport groups.

Pinaalalahanan ng ahensya ang mga PUV operators na bigyan ng diskwento sa pasahe ang mga senior citizen, may kapansanan at estudyante.

Pagmumultahin ng P5,000 ang sinumang lalabag sa fare discounts sa unang opensa.

Ipinaalala rin ng transport agency sa mga operator ng bus na panatilihing malinis ang mga comfort rooms at dapat ay libre ang paggamit dito.

Lumagda naman ang mga mall operator sa Pledge of Support sa Oplan Isnabero ng LTFRB.

Tinalakay sa briefing ang Oplan Isnabero at kanilang planong hulihin o balaan ang mga taxi driver.

Kapag ang mga ito ay tumangging magsakay ng mga pasahero sa holiday season.

Ipinakita rin ng LTFRB ang mga multa at iba pang parusa sa mga isnaberong cab driver.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *